Pilit na Itinutulos ang Kawayan sa Dagat

Panaginip:Mula sa malayo ay pinapanood ko ang ginagawa ng aking boyfriend na nasa tabing dagat. Pinipilit niyang itulos ang isang mahabang kawayan sa dagat. Pero hindi niya ito maisuksok sa kalaliman ng dagat. Dumating ang aking ama at pinagalitan ang aking boyfriend. Makakasama raw sa mga isda ang kanyang ginagawang pagsusuksok ng kawa­yan sa dagat.---MU

Panaginip: Ikaw ang sinisimbolo ng dagat. Ang mahabang kawayan ay simbolo ng male sex organ. Ang pagtatayo ng kawayan sa gitna ng dagat ay ang sexual act itself. Ang kabuuan ng eksena ay nagpapahayag na ginagawa na ninyo ang pre-marital sex. Darating ang oras na malalaman ito ng iyong mga magulang na magdudulot ng problema.

Show comments