Halo-halong Feng Shui Tips

Huwag magdidispley ng cactus o bulaklak sa bedroom.

Huwag patutulugin ang mga bata sa kama na nakalapat sa sahig. Dapat na nakaangat ito mula sa sahig upang ang energy ay nakakaikot sa ilalim at ibabaw ng kama.

Huwag pipinturahan ang bedroom walls ng yellow, orange or red. Nakakainit ng ulo ang sobrang kulay pula.

Huwag magdidispley ng picture ng pumanaw nang mahal sa buhay o Buddha figurine sa bedroom.

Puwedeng idispley ang inyong wedding picture at magkapares na bibe sa inyong bedroom.

Iwasang gumamit ng flooring na may kulay red, pink, blue or black sa dining room.

Kung possible, ang upuan ng bread winner sa dining room ay nakatalikod sa solid wall.

Lucky kung laging may fruit basket na nakapatong sa dining table. Simbolo iyon ng kasaganaan.

 

Show comments