Panganib ng Oral Sex (2)

2. Nakakatulong ang oral sex sa adult relationships pero marami rin ang nangangambang gawin ito. Sa mga adults, ang oral sex ay maaaring maging sanhi ng stress at puwede ring magpalawig ng intimacy ayon sa sex therapist na si Louanne Cole Weston, PhD ng Fair Oaks, Calif.  Ang iba ay nangangamba sa oral sex dahil sa hygiene. Mayroon ding nag-aalala sa magiging reaksiyon ng kanilang partner kapag ginawa nila ito o kaya naman ay iniisip nila ang kanilang performance o response.

Para sa iba mas nagpapatibay ng relasyon ang oral sex at nagkakaroon ng mas intimate connection.

3. Karaniwan ang unprotected oral sex ngunit may panganib ito. May mga sexually transmitted diseases (STDs), kabilang ang HIV, herpes, HPV at viral ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng oral sex.

Ang panganib ay depende sa maraming bagay kabilang ang katanungang “Ilang sexual partners mayroon ka?” Ang iyong kasarian at kung anong klaseng oral sex ang iyong ginagawa.

Kung gagamit ng proteksiyon (condom, dental dam) ay mababawasan ang panganib na makakuha ng STD. Ang problema, marami ang hindi gumagamit ng proteksiyon.

Marami kasi ang hindi pa alam na may panganib ang pag-o-oral sex. Pero mas mababa ang panganib na makakuha ng STD sa pag-o-oral sex kaysa sa vaginal o anal sex nang walang proteksiyon.

 

 

Show comments