Hindi nagugustuhan ng mga babae

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po akong si Onat, 21. Ang problema ko ay hindi pa po ako nakararanas magka-gf. Hindi naman ako pangit pero ewan ko ba kung bakit parang iniiwasan ako ng mga babae. Kaya lagi na lang akong nasa isang sulok at nakatunganga habang ang mga friends ko ay may ka-date sa mga gimik. Isa pa, mahiyain ako. Inggit na inggit ako sa mga kaibigan kong may mga siyota na. Sa ngayon po ay may crush ako pero nahihiya akong magparamdam.

Onat

Dear Onat,

‘Wag mong ikalungkot ko wala ka mang nobya ngayon. Hindi pa lang nakikita ng mga babae ang magaganda mong mga katangian dahil nga hindi ka nila lubos na nakikilala. Makisalamuha ka lang sa mga kaibigan mong babae upang mawala ang iyong pagkamahiyain sa opposite sex. Kung minsan kasi ang pagka-kimi ay kawalan din ng self-confidence. Basta pagtiwalaan mo ang iyong sarili at natitiyak kong darating ang panahon na makakatagpo ka ng babaeng magmamahal sa’yo at mamahalin mo. Kung nahihiya ka sa crush mo, puwede mo siyang sulatan o padalhan ng roses tutal month of love pa rin naman ngayon. Kung meron kayong common friends puwedeng siya o sila ang magpaabot ng iyong feelings sa crush mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments