Nagka-’trauma’ sa pag-ibig

Dear Vanezza,

Ako po’y 35 years old na at dalaga pa rin hanggang ngayon. Naranasan ko na pong umibig at mabigo ngunit niloko lang ako nang mga nakarelasyon ko. Simple lang po ang aking pangarap, ang magkaroon ng sariling pamilya. Pero bakit po ganoon? Lagi na lang akong luhaan. Bakit po kaya maraming lalaki ang manloloko, mapagsamantala, nagpapanggap na walang asawa o nobya at ayaw ipakilala ang tunay nilang pagkatao? Ngayon po ay may nagpaparamdam sa akin. Gusto ko na siyang sagutin kaso natatakot ako na mabigo muli. - Lolit

Dear Lolit,

Kung madalas tayong nabibigo sa relasyon, mabuting tanungin mo rin ang iyong sarili baka nasa iyo na ang problema. Kung hindi kasi natin mababago yung mali sa ating sarili ay baka ganun din ang kahinatnan. Sinasabi mong maraming lalaki ang manloloko. Pero hindi ba’t may kasabihan din tayong walang manloloko kung walang nagpapaloko? Kaya sa susunod na magkaroon ka ng ka-partner sa buhay ay maging matalino ka na. Kilalanin mong mabuti at huwag agad padala sa dikta ng puso.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments