Madamot ang bf

Dear Vanezza,

Ako po ay 36 years old, dalaga at may boyfriend. Nagkataon na nagkaroon ako ng pagkakataong makapagtrabaho sa abroad sa tulong ng aking pinsang OFW din.  Ako ang bread winner at tanging inaasahan ng aking mga magulang. Pagkakataon din ito upang mabayaran din namin ang aming mga utang. Mula nang mabalitaan ng aking bf ang pagtulong ko sa aking mga magulang ay parang nanlamig na siya sa akin. Ngayon pa lang ay nagsasabi na siya na baka hindi niya ako maihatid sa airport. Dapat ko pa ba siyang mahalin o intindihin? Naguguluhan ako. - Lyza

Dear Lyza,

Ngayon pa lang ay ipinakita na ng nobyo mo ang kanyang tunay na ugali. Kung magkakatuluyan kayo ay baka pag-awayan n’yo pa ang pagtulong mo sa iyong pamilya na lantaran niyang tinututulan. Rerendahan ka lang niya. May pagka makasarili ang nobyo mo na hindi magandang ugali ng isang tao. Timbangin mo ang iyong damdamin at kung may nadarama ka mang pag-ibig, huwag lang puso ang pairalin kundi pati isip ay gamitin mo sa pagdedesisyon kung tuluyan na siyang kakalimutan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments