‘In-love’ sa ‘married man’

Dear Vanezza,

Call me Rena, 27 years old at isang single mother. I met a guy through internet. He is 8 years older than me. For almost a year na nagkakilala kami I really fell in love with him. Ang problema, he is already married at kaibigan lang ang turing niya sa akin. Sa kabila nito, hindi ko mapigilan ang sarili ko na patuloy siyang mahalin. Pinipilit kong kalimutan siya, but every time that I am alone, I always found myself sitting in front of the computer and sending him messages over and over again. Ayokong maging home wrecker, pero kapag naiisip ko siya nawawala ako sa sarili at hindi ko mapigil na sabihin sa kanya ang feelings ko. Darating siya sa bansa from US at nangako siya na magkikita kami para personal na magkakilala. Sa tingin mo, dapat ba akong makipagkita sa kanya? O layuan ko na siya ng tuluyan?

Dear Rena,

I admire the guy. He is not the type who will take advantage of a woman. Ikaw na rin ang nagsabing may pamil­ya ang lalaking ‘yan so don’t take any step para mawasak ang pamilya niya. Siya na rin ang may sabing gusto ka lang niyang maging kaibigan kaya hintuan mo na ang pagbibigay ng motibo sa kanya bago siya tuluyang mahulog sa tukso. Kung mahumaling man siya sa iyo at iwanan niya ang kanyang asawa’t mga anak, magiging maligaya ka ba habang may mga taong nagdurusa? Kaya mag-isip ka at magdesisyon ng tama.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments