Last part
Paano malalaman na may pagtitibi?
May ilang pagsusuri ang ginagawa ng mga espesyalista upang malaman ang dahilan ng pagtitibi:
• Digital examination – karaniwang ang pagkapa sa loob ng puwit sa pamamagitan ng daliri ang una at pinakasimpleng hakbang na maaaring magbigay ng mga impormasyon na sanhi ng problema.
• Colonoscopy- gamit ang instrumentong may kamera, ito ay ipinapasok sa puwit at loob ng malaking bituka (colon) upang matukoy kung may bukol o masa na nagiging sanhi ng pagbabara sa daraanan ng dumi.
• Barium enema – isang radiographic study kung saan may pangkulay (dye) ang ipinapasok sa puwitan at ang imahe ng malaking bituka ay makikita sa x-ray.
• Colonic transit study – isinasagawa sa pamagitan ng paglunok ng pasyente ng radiopaque marker at sumasailalim sa isang x-ray upang makita kung nasaan ang mga marker. Maaaring makita ang mga bahagi ng malaking bituka na may mabagal na pagkilos.
Paano maiiwasan ang pagtitibi?
Ang gamutan ay depende sa mga dahilan na natukoy mula sa mga ginawang eksaminasyon. Ang operasyon ay maaaring irekomenda kung mayroong problema tulad ng bukol o pagbabara ang bituka na nagiging sanhi ng pagtitibi. Kung wala naman, may ibang paraan ang maaaring magpabuti sa mga sintomas ng pasyente tulad ng:
• Pagbibigay ng medikasyon.
• Ang pagbibigay ng counselling o payo sa pasyente.
• Ang pagdadagdag ng pisikal na aktibidad.
• Ang pag-inom ng mas maraming tubig.
• Paggamit ng bulk-forming agents, laxatives, enemas o suppositories.
• Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber at umiwas sa mga pagkaing nakakapagpatigas ng dumi gaya ng saging.