Natatakot sa pamahiin I

Dear Vanezza,

May plano na po kaming magpakasal ng boyfriend ko. Wala naman kaming problema sa mga pamilya namin at sa loob ng six years namin bilang magkasintahan ay nagkakasundo kami sa maraming bagay. Ang iniisip ko lang po, sa aming pamahiin lalo ng mga matatanda, ang parehong panganay daw po ay hindi dapat magkatuluyan o kaya parehong bunso. Nagkataon pong pareho kaming panganay. Totoo po kaya ito? - Glycel

Dear Glycel,

Lahat naman ng relasyon ay may kinakaharap na problema o pagsubok. Pareho man kayong panganay o bunso, nasa sa inyo pa rin kung paano ni’yo mapapanatiling matatag ang inyong pagsasama. Ang mahalaga’y mahal ninyo ang isa’t isa at nagkakasundo sa maraming bagay. 

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments