Tumalon mula sa jeep!

Panaginip: Nagmamaneho ako ng jeepney. Sa aking katabi ay isang sanggol. Kami lang ang nasakay sa  jeep. Sa hindi ko malamang dahilan ay napapunta ako sa dead end ng isang kalye. Nawalan ako bigla ng break kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang sanggol, kinarga ko at dali-dali akong tumalon sa jeep. Pareho kaming hindi nasaktan ng baby na sa tingin ko’y ngi­nitian pa ako.---Julio

Interpretation: Mabibigo ka sa iyong inaasahan, ito ang ibig sabihin ng dead end. Pero sa bandang huli ay makakabawi ka dahil makakaisip ka ng bago at magagandang ideya na siyang sinisimbolo ng iyong pagtalon sa jeep para iligtas ang sanggol. Sinisimbolo ng sanggol ang mga bagong ideya.

 

Show comments