May mga mommies o nanay na hindi komportable sa pagpapasuso ng kanilang sanggol. Pero, hindi nila alam na napakaraming benepisyo ng pagpapasuso na naipagkakait sa kanilang mga anak kapag hindi ito naibibigay.
Ang tinatawag na colostrum na taglay ng gatas ng ina ay mabisang panlaban sa anumang impeksiyon na maaaring dumapo sa katawan ni baby. Lumalabas ang colostrum sa mga unang araw ng iyong pagpapasuso. Ang colostrum ay hindi mo matatagpuan sa anumang uri ng formula milk sa mga merkado.
Hindi lang si baby ang nagbebenepisyo kapag nagpapasuso kundi maging ang ina. Dahil sa pagpapasuso ay nakakapag-burn ng 500 calories kada araw ang iyong katawan, kaya naman mabilis na maibabalik ang kaseksihan ni mommy. Biruin mo, hindi mo na kailangan na mag-swimming para lang makapagsunog ng ganito kadaming calories sa katawan. (Itutuloy)