Paano nga ba masasabi kung ang iyong ka-date ay kuripot o sadyang maingat lang sa paggastos? Narito ang ilang paraan:
Palagi na lang kape ang inaalok niya sa’yo – Ang tinatawag na “coffee date” ay okey lang kung ito ang inyong first date. Pero, sa mga susunod na pagkakataon na maide-date ka niya, dapat ay mas pakainin ka niya sa mas magandang restaurant, hindi man masyadong mamahalin, ngunit maituturing pa rin na “fine dine” para sa inyong dalawa. Nagpapakita kasi ito kung paano rin niya pinahahalagahan ang iyong “company”. Hindi rin naman kasi tama na lunurin ka na lang niya sa caffeine.
Umiiwas umorder ng marami – Dapat pansinin mo ang uri ng pagkain na kanyang binibili tuwing kayo ay kumakain. Kung sa obserbasyon mo ay palagi kayong nag-uumpisang kumain ng dessert at nilalampasan ang main dish, dapat na mag-isip mabuti dahil maaaring gusto niyang tipirin maging ang oras na kayo’y magkasama. Ang pagso-short cut ng pagkain at nagpapahayag din kasi ng pagso-short cut sa oras ng inyong pagsasama.
Umiiwas sa pagbabayad – Wala ng iba pang nakakahiyang ka-date kundi ang lalaking pumapayag na maging “equal” ang babae’t lalaki pagdating sa pagbabayad ng kinain pagkatapos ng kanilang date. Bagama’t uso na ngayon ang “equality” at ang “general rule” sa pagdi-date ay dapat na magbayad kung sino ang nag-imbita, hindi pa rin tama na palagi na lang ikaw (babae) ang laging magbabayad dahil ikaw ang nag-aya ng date. Kung ganito ang gawi ng iyong ka-date, dapat na kabahan ka at matakot na ito ang makasama mo sa habambuhay dahil baka asahan ka na niya at ikaw na ang bumuhay sa kanya.