Alam n’yo ba na ang flour o harina ay gawa mula sa “wheat” na nagtataglay ng 13%-15% protina o gluten. Ang harina na gawa mula sa wheat na tumutubo sa mainit na panahon ay malambot ngunit 4%-9% lang ang taglay nitong gluten. Ang harina naman na gawa mula sa “hard wheat” ay mainam na gawing tinapay dahil sa lumalaki at nababanat ito ng husto. Para makagawa ng harina, kinakailangang gilingin ang wheat o iba pang uri ng butil na ginagamit sa paggawa nito. Bukod sa wheat maaari rin gawing harina ang patatas, barley, corn, rice, soybeans, acorns at saging.