Paano aakitin ang pera sa inyong buhay?

Hanapin ang Southeast ng inyong salas, bedroom, tindahan, opisina.

Southeast ang wealth area kaya’t ito ang lugar sa inyong bahay o opisina na dapat pagyamanin.

Magdispley dito ng malulusog na berdeng halaman: bamboo plants, jade plants, mo­ney plants.

Maglagay ng indoor water fountain o picture ng body of water.

Kung sikip na sa southeast area at wala nang paglalagyan ng fountain, puwede itong ilagay sa East at North.

Gumamit ng mga kulay blue, green at brown sa nabanggit na area sa pamamagitan ng wall paint, kurtina, furniture, figurines etc.

Upang manatili ang good energy sa southeast, panatilihin itong malinis, walang kalat o anumang tambak na gamit.

Ang mga lugar na hindi dapat paglagyan ng water fountain o picture ng body of water ay South corner ng bahay at bedroom. Sa halip na suwertehin ay lalo kayong mamalasin.

Ang energy na konektado sa South ay fire. Alam na alam natin na magkakontra ang tubig at apoy kaya negative energy ang magiging resulta kapag sila ay pinagsama.

 

 

Show comments