Tamang Pagpapakain kay Baby (1)
Ang pagbibigay ng complementary foods ay sapat, ligtas at angkop. Napapanahon ang karagdagang pagkain bukod sa gatas ng ina pagkatapos ng anim na buwan at pataas. Sapat ito kung nasa tamang dami. Ligtas ang pagkain ng sanggol kung ito ay malinis at walang halo na maaaring magdulot ng sakit.
Ang mga sumusunod ay mga pamantayan ukol sa wastong pagpapakain ng pagkain kay baby:
1) Karaniwan, pagkatapos sa ika-anim na buwan, si baby ay handa na sa karagdagang pagkain, Subukan kung siya ay handa na sa pagtanggap ng bagong pagkain sa pamamagitan ng paglalagay ng kutsarita sa kanyang bibig:
a) Kung isinasara ni baby ang kanyang bibig o patuloy na itinutulak ang kutsarita, si baby ay hindi pa handa. Kung ganun ang reaksyon ni baby ay huwag munang pakainin si baby.
b) Kung si baby ay magpapakita naman ng pagtanggap ng pagkain sa pamamagitan ng kutsarita, simulan bigyan ng malabnaw na lugaw. Gawing malapot kung sanay na. Unti-unting idagdag ang, hinimay at hiniwang maliliit na pagkain habang lumalaki si baby.
- Latest