Totoo bang nakakausap ang Guardian Angel?

Bago kumontak ng anghel, linisin mo muna ang iyong energy. Maihahalintulad tayo sa isang radyo. Kailangang maalis ang static para malinaw na makapasok ang signal.

Ang anghel ay walang porma na kagaya ng tao. Ispiritu lang sila o energy na nag-aanyong liwanag na may kulay kapag type nilang magpakita sa tao. Ang kinamulatan natin na sila’y mukhang tao na may pakpak ay ideya lang ng mga artists at ng mga taga-pelikula. Iyon ay bunga lang ng kanilang creative ima­gination.

Kagaya sa isang corporate setting, ang mga anghel ay may sinusunod na protocol. Hindi sila basta-basta lumalapit sa mga tao para makialam. Kailangang banggitin ang kanilang pangalan ng tatlong beses para agad sila tumalima sa inyong pagtawag. Hindi sila lalapit sa iyo nang hindi mo hinihiling. Pero lagi silang nakaantabay.

Tayo ay binibigyan ng Diyos na 2 o higit pang guardian angel pagkasilang sa atin. May pangalan ang mga anghel. Dapat ay alam mo ang tamang pronunciation para maging malinaw ang communication mo sa iyong guardian angel. Next: Anu-ano ang mga bagay na humahadlang para makakontak ka sa iyong anghel?

Show comments