Sa Chinese astrology, isa sa pinagbabasehan kung susuwertihin ang isang tao ay kung ano ang ‘weather’ nang araw na siya’y ipanganak.
RAT—ibayong suwerte ang dadanasin kung ipinanganak sa panahon ng tag-init.
OX—masuwerte kung isinilang siya sa panahon ng tag-lamig o tag-ulan.
TIGER—kahit anong weather basta’t gabi o madaling araw sila ipinanganak.
RABBIT—kakaibang suwerte kung sila’y ipinanganak sa panahon ng tag-init.
DRAGON—kahit anong weather, basta ‘wag lang bumabagyo.
SNAKE—super suwerte sila kung ipinanganak sa tag-init. Doble suwerte kung matindi ang init.
HORSE—maganda ang magiging kapalaran kung ipinanganak sa tag-lamig pero hindi dapat maulan.
GOAT—masuwerte kung isinilang sa panahon ng tag-ulan.
MONKEY—maganda kung ipinanganak sa tag-init.
ROOSTER—masuwerte kung isinilang sa pagitan ng tag-lamig patungong tag-init. More or less ay sa pagitan ng January kung kailan malamig hanggang March kung kailan unti-unti nang nag-iinit ang klima.
DOG—mainam kung siya’y ipinanganak sa araw.
PIG—okey lang kahit kailan siya ipanganak basta huwag lang January hanggang February.