Kailangan nating mag-ingat ngayong tag-ulan sa mga pagkain na kinakain at sa tubig na iniinom. Ang mga impeksyon ngayong tag-ulan ay nakakaÂbawas ng lebel ng resistensya sa ating katawan. Ang mga karaniwang sakit ngayong tag-ulan katulad ng ubo, trangkaso, mahinang panunaw, tipus, at desenteriya. Karaniwang lumalaganap ang mga sakit sa balat ngayong tag-ulan katulad ng pigsa, galis aso at eczema na maaaring makuha sa pamamagitan ng tubig baha.
Para maging malusog at ligtas sa sakit ngayong tag-ulan naririto ang ilang mga gabay:
Balat
Ngayong tag-ulan karaniwan ang ating balat ay nade-dehydrate kaya dapat na i-moisturize. Kailangan ng ibayong pag-iingat sa paghuhugas ng balat upang hindi mawala ang natural na moist nito. Sa paggamit ng mga agent na panghugas kailangang ito ay banayad sa balat at may kakayahan na makaalis ng dumi.
Mag hugas ng kamay at gumamit ng sabon bago kumain o humawak ng pagkain, kapag lumusong sa baha maligo agad upang maiwasan ang mga sakit dulot ng tubig baha.
Pagkain
Kailangang hugasan ng maigi ang prutas at gulay na ating kakainin upang maalis ang dumi na maaaring panggalingan ng sakit. Dahil maghapon na naka-expose sa bangketa o sa palengke ang mga gulay at prutas na ating pinamili kaya maaaring dapuan ito ng kung anong dumi na maging sanhi na kontaminasyon.