50 Fengshui Cures (4)

27--Maglagay ng dragon sa north para suwertehin sa career at sa south east para umangat ang kabuhayan.

28--Maglagay sa southeast ng walong pirasong Chinese bamboo. Talian ang walong piraso ng red ribbon.

29--Maglagay ng piguring tandang sa iyong office table upang makontra ang pagsisiraan, ingitan at intrigahan sa opisina.

30--Nakakaakit ng mabuting kapalaran ang globe crystal para sa mga taong ang hanapbuhay ay nasa linya ng communication, teaching, journalism, literature. Mabuting idispley sa office table.

31--Masuwerteng magdispley ng glass bowl na puno ng green at red apples.

32--Magdispley ng larawan ng araw na sumisikat; larawan ng nag-aani ng palay; mangingisdang  may ipinapakitang maraming huling isda; marangyang tahanan; magagandang alahas at kung anu-ano pang larawan na simbolo ng kasaganaan at karangyaan.

33--May taong gumagamit ng Christmas light kahit hindi Christmas. Mas mainam na gumamit ng christmas lights na steady lang ang sindi ng ilaw at hindi iyong patay-buhay. Para maging steady o matatag ang suwerteng darating sa iyong buhay.

34--I-bless once a week ang apat na sulok ng inyong tahanan o business establishment sa pamamagitan ng pagwisik ng holy water at pagsindi ng incense stick. Itutuloy

Show comments