Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na muntik ng ipalaglag ng kanyang ina si Adolph Hitler noong siya ay nasa sinapupunan pa nito? Mabuti na lang ay kinausap siya ng masinsinan ng kanyang doctor kaya hindi ito nangyari. Ang pamosong hari na si King Solomon ay mayroong 700 asawa. Tatlong beses na malaki ang tsansa na magpakamatay ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang lalaking pinakamatagal na nabuhay sa mundo ay si Methuselah, kung saan siya ay umabot sa edad na 969 (Genesis 5:27). Si Sonora Dodd ng Spokane, Washington ang nagpauso ng Father’s Day para bigyan parangal ang kanyang ama na si William Smart dahil sa pagiging mabuti nitong haligi ng tahanan matapos na solong palakihin ang kanyang anim na mga anak. Si dating U.S. President Lyndon Johnson ang nagproklama noong 1966  na ipagdiwang ang Father’s Day tuwing ikatlong linggo ng Hunyo.  Kinilala naman si Dodd bilang “Mother of Father’s Day” sa kanyang ginawang pagmumungkahi na magkaroon nito.

 

Show comments