1.) Huwag magpalosyang-losyang. Palaging magpaganda at maging sexy sa paningin ni mister.
2.) Kung gaano ka kalambing noong kayo ay magkasintahan pa lang ni mister, dapat mo itong panatilihin. Kung sa tingin mo ay kailangan ni mister ng kausap, dapat mo siyang pagbigyan. Mas mabuting ihinto ang anumang iyong ginagawa at harapin siya. Dapat na ituring mo ang iyong sarili hindi lang bilang misis niya kundi isa ring kaibigan.
3.) Dapat mong iparamdam kay mister na may tiwala ka sa kanya. Huwag masÂyadong dudera na para kang adik at agad na aawayin ito. Lawakan palagi ang pang-unawa upang magkaroon ng maayos na pag-uusap at pagsasama sa loob ng bahay.
4.) Magkaroon lagi ng bukas na komunikasyon sa kanya. Kung may natutuÂnugan kang problema, ayain si mister na umupo at pag-usapan ito. Iparamdam mo sa kanya na palagi kang mayroong tenga para sa kanya at pakinggan ang anuman ang nais niyang sabihin.
5.) Huwag gawing number one ang pera. Iparamdam mo rin naman sa kanya ang iyong pagmamalasakit at pagmamahal lalo na kung siya ay galing sa isang nakakapagod na biyahe at trabaho.
6.) Palagi mong alamin ang kanyang kalagayan. Ang isang tanong na Kumusta ka na? ay napakahalaga. Maaari kasing dumaan siya sa isang mahirap na sitwasyon sa trabaho at nais niyang ilabas ang anumang sama ng loob. Sa ganitong paraan ay natutulungan mong lumuwag ang kanyang dibdib at pakiramdam. Tiyak na maa-appreciate ka niya.
7.) Kung nararamdaman mong naglalambing si mister, hindi mo siya dapat tanggihan. Ipadama mo din sa kanya ang iyong pagnanais na masolo rin siya sa isang pribadong lugar at panahon.
8.) Ibigay mo sa kanya ang 100 porsiyentong pagtitiwala, pagmamahal, at pagmamalasakit. Mas mabuti kung ipakikita mo rin sa kanya na siya at ang inyong mga anak ang iyong prayoridad. Higit sa lahat huwag mong pababayaan ang iyong katawan o figure.
9.) Moral at emotional support. Mahalagang maibigan mo rin ito sa kanya. Dahil minsan, akala lang natin malakas ang mga lalaki, ngunit may panahon din na natutuyuan sila sa kanilang kalooban.
10.) Kung may mga plano, dapat ay sabihin agad ito kay mister. Dapat na siya ang unang nakakaalam nito bilang pagbibigay ng respeto sa kanya.