^

Para Malibang

Panganib ng kagat ng insekto (Last Part)

BODY PAX - Pang-masa

Filipino – Insect Bites

Ang mga cream na antihistamine ay ginagamit paminsan-minsan, ngunit ang mga ito ay maaa­ring maging sanhi ng alerdying dermatitis. Kung magsimula ang singaw sa balat na pinahiran ng krim, dapat na itigil ito kaagad. Paminsan-minsan makatutulong ang paggamit ng mga sirup na antihistamine na inirekomenda ng pampamilyang doktor kung ang pangangati ay malala at di nagpapatulog ng bata sa gabi.

May panganib ng impeksiyon ng bakterya sa kagat ng insekto kung ang sobrang pagkakamot ay nauwi sa pagtagas o pagkakaroon ng langib sa apektadong bahagi. Maaaring kailanganin ang mga antiseptiko upang maiwasan ang impeksiyon sa kasong iyon.

Karamihan sa mga kagat ng insekto ay napapawi sa loob ng maraming araw. Kung nagpatuloy ang pangangati ng mga marka sa balat, o kung nagkakaroon pa ng maraming marka sa balat, maaaring kailanganing humingi ng karagdagang pagpapayo mula sa isang doktor upang matiyak na ang mga markang ito ay hindi sanhi ng ibang bagay maliban sa mga kagat ng insekto.

Para sa karagdagang impormasyon kontakin ang Inyong Nars para sa Kalusugang Pang-ina at Pambata. Inyong parmasyutiko.
Inyong pampamilyang doktor.

INSECT BITES

INYONG

INYONG NARS

KALUSUGANG PANG

KARAMIHAN

MAAARING

PAMBATA

PAMINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with