Feng Shui Tips para sa kalusugan
Nasa East corner ng inyong bahay ang FAMILY AND HEALTH area kaya ito ang ia-activate kung nais na pangalagaan ang kalusugan ng pamilya. Angkop na kulay sa East: Blue at Green.
Magdispley ng picture ng pamilya at mga kaibigan. Kung hindi maiiwasang magpapakuha ng picture ang tatlong tao, dapat ang isa ay nakatayo sa likod ng dalawang nakaupo. Bad feng shui ang tatlong magkakatabing nakaupo sa picture.
Sa East din idispley ang mga libro tungkol sa nutrition, herbs, healing, etc.
Magdispley ng items na yari sa kahoy. Halimbawa: kahoy na picture frame.
Dito rin ilagay ang exercise equipments.
Ang mga minanang antique art, furniture o anumang gamit ay sa East ipuwesto bilang paggalang sa alaala ng mga ninunong nagpamana ng mga antique na gamit.
Dito ilagay ang picture/logo/caps/souvenir items ng paborito mong team ng kahit anong sports.
Mag-alaga ng pets. Nagpapasigla sila ng life force energy. O, Magdispley ng hayop o halaman (picture or figurine) na sumisimbolo ng long life kagaya ng pagong o crane.
Magsindi ng incense, essential oils o anumang ginagamit sa aroma theraphy. May healing effect sa tao ang kaaya-ayang amoy.
Magsuot ng green para sa health and healing. Magsuot ng pink para matunaw ang galit sa iyong puso.
- Latest