Matutupad ang wish

Panaginip: Nasa hotel ako at may hawak na susi na may number 6. Nang isasaksak ko na ang susi sa key hole  ay napatingin ako sa number na nasa pintuan—number 10.  May lalaking duma­ting at sinabing bakit ko binubuksan ang pinto ng kanyang kuwarto. Ang guwapo ng lalaki, mabait at nakangiti habang tinatanong niya ako. Sa isip ko, siya ang type kong maging boyfriend.---Lucky Godiva

Interpretation: Ang susi ay simbolo ng lala­king makakalutas ng problema. O, simbolo ng good news and happiness. Ang no. 6 at 10 ay katuparan ng wish. Isang lalaki ang magpapasaya ng iyong buhay. Malaki ang pag-asa na matupad mo ang iyong wish. Good luck.

Show comments