Last Part
Thyroid surgery. Ito ay isang operasyon na kung saan ay inaaalis ang thyroid na nagiging sanhi ng hypothyroidism. Hindi lahat ng thyroid ay inaaalis, ang ibang natitirang thyroid ay maaaring makagawa ng hormone na kailangan ng ating katawan.
Mababang iodine ng mga kinakain. Ang thyroid ay nangangailangan ng iodine para makagawa ng thyroid hormone. Ang katawan natin ay hindi nakakagawa ng iodine, kaya kailangan nating kumain ng pagkain na mayaman sa iodine. Iodized table salt ay mayaman sa iodine. Mga pagkain na mayayaman sa iodine ay katulad ng shellfish, saltwater fish, eggs, dairy products, at seaweed.
Pagbubuntis. Walang malinaw na paliwanag pero ang pamamaga ng thyroid ay nangyayari pagkatapos ng pagbubuntis. Ito ay tinatawag na postpartum thyroiditis. Ang mga kababaihan na ganito ang kondisyon ay karaniwang grabe ang itinataas ng lebel ng thyroid hormone kasunod nito naman nito ay dagliang pagbaba ng produksyon ng thyroid hormone. Karamihan sa kababaihan na nakakaranas ng ganitong kundisyon ay nanunumbalik din sa normal ang kondisyon ng thyroid.
Problema sa thyroid ng batang ipinanganak na may problema sa thyroid. May ilang mga sanggol na ipinapanganak na hindi na-develop ang thyroid ng tama at normal. Ang tawag sa kondisyon na ito ay congenital hypothyroidism.