Clitoris
Ayon sa wikipedia.com, ang clitoris ay ang female sex organ sa mammals, ostriches at ilang hayop. Sa babae, ito ay parang nakausling laman malapit sa front junction ng labia minora (inner lips), sa taas ng opening ng urethra.
Ang clitoris ay ang isa sa pinaka-erogenous zone ng babae.
Maliit lamang ito ngunit ito ay isang powerful organ para sa sexual pleasure.
Narito ang mga bagay na dapat nating malaman ukol sa clitoris, ayon sa alterNet.com.
NAPAKASENSETIBO NG CLITORIS
Ang clitoris ay may tinatayang 8,000 sensory nerve endings kumpara sa halos 4,000 lang ng penis. Kaya ang maliit na bahaging ito ng vagina ay ang pinakasensitibong bahagi ng erogenous zone ng mga babae. Bagama’t maliit ang clitoris, ang powerful sensations mula rito ay umaabot sa pelvic area ng babae dahil naaapekÂtuhan nito ang 15,000 pang ibang nerve endings!
HINDI GANOON KALIIT ANG CLITORIS
Alam n’yo bang ¼ na bahagi lang ng clitoris ang ating nakikita. Ang ibang bahagi nito ay nasa loob na ng katawan kaya maaari itong ilipat sa ibang parte ng katawan. Ang clitories ay binubuo ng iba’t ibang bahagi kabilang ang clitoral head, hood ng clitoral shaft, urethral sponge, erectile tissue, glands, vestibular bulbs at crura (o clitoral legs).
Tanging ang clitoral head at hood ang nakikita.(ITUTULOY)
- Latest