Hindi tiyak kung siya ay nililigawan

Dear Vanezza,

Meron po akong manliligaw ngayon pero hindi ko po masabi na manliligaw kasi wala naman po siyang sinasabi sa akin basta lagi po siyang nagse-send ng mga quotes. Pero ako sa ngayon, nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Paraan na po kaya niya yun ng panliligaw? Sasagutin ko ba siya? Sana mapayuhan ninyo ako. - Mika

Dear Mika,

Kung hindi mo masiguro na nanliligaw ang lalaking ito sa iyo, paano mo siya sasagutin? Kailangan ay magkaroon ng hayagang proposal na mahal ka niya para sabihin mo na nanliligaw siya sa iyo. Pero kung puro quotations ang ipinapadala, hindi natin puwedeng ipakahulugan ito sa panliligaw. Pero may mga nangyayari naman sa pagitan ng lalaki at babae na kung tawagin ay mutual understanding. Walang ligawan, walang proposal at walang sagot. Basta’t nagising na lang isang araw na umiibig sa isa’t isa. Siguro, next time na padalhan ka niya ng quotes, puwede mong itanong kung ano ba ang kahulugan ng madalas niyang pagpapadala nito sa’yo. Mahirap mag-jump into conclusion.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments