Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na makakakuha ka ng bitamina sa pagkain ng insekto?  Ang pagkain ng tu­yong locusts ay may taglay na 75% na protina, 20% fat habang sa anay naman ay 36% protina at 44% fat.  Maaaring iluto ang locust bilang prito, inihaw at nilaga. Usong-uso ang pagkain ng locust sa Africa. Pinapayagan naman ng U.S. Food & Administration na maglagay ng siyam na piraso ng itlog ng langaw at isang uod sa ilang uri ng pagkain. Noong ika-100 taong anibersaryo ng New York Entomological Society, naghanda ito ng piniritong crickets at uod bilang meryenda. Tanging mga kulay na pula, berde at asul ang nakikita ng paru-paro. Karamihan ng mga paru-paro ay ginagamit ang kanilang paa para sa kanilang panlasa. Dito nila napag-aaralan kung ang dahon na kanilang tinutungtungan ay magandang pangitlugan.

 

Show comments