9 Paraan: Maging Masuwerte ang Mukha

Paano mo aakitin ang suwerte sa pamamagitan ng iyong mukha?

6--Ilong—Napakasuwerte sa buhay ng taong malaman at bilog ang ilong. The fleshier and rounder it looks, the better; the wealthier! Kung ganito ang ilong ninyo, huwag mo nang ituloy ang pagpapa-nose lift. E, ano kung pango, mayaman naman.

7--Lips—Mahusay magsalita at mangumbinsi ang taong may tila patulis na maumbok na laman sa middle ng upper lips. Ang tawag doon ay phoenix pearl. Sinasabing pinakikinggan at pinagkakatiwalaan ng mga tao ang anumang sinasabi ng taong may maumbok na “phoenix pearl. Kung wala ka nito, panatilihing wet lagi ang iyong lips sa pamamagitan ng paglalagay ng lip gloss at iyon ay magdadala rin ng suwerte. Hindi masuwerte ang lips na dry. Okey lang ang nunal sa paligid ng bibig huwag lang kulay itim.

8--Mata—masuwerte ang matang malinaw, kumikinang kapag tiningnan ng ibang tao at parang laging basa. Iyon bang natatanong mo kung umiiyak siya dahil laging basa. Pero ibang usapan na iyong nagluluha at pagkatapos ay nagmumuta. May sakit ang ibig sabihin noon.

9--Kung ang isang mata ay malaki at isa ay maliit, balansehin mo ito sa pamamagitan ng pag-aaplay ng eye make-up.

 

 

 

Show comments