^

Para Malibang

Paliligo ng yelo kahit malamig

Ms. Jewel - Pang-masa

Marami sa atin ang takot na maligo ng malamig na tubig lalo na kung panahon ng tag-lamig. Pero,  sa totoo lang may benepisyo ang paliligo ng malamig na tubig. Narito ang ilan:

Mabilis na nakakagaling ng maga – Ang paliligo ng tubig na malamig lalo na kung ito ay may yelo ay nakakatulong sa mabilis na paggaling ng pamamaga ng muscles sa iyong katawan. Epektibo ito dahil mapapabilis ng lamig ng tubig/yelo ang blood circulation sa iyong katawan kaya agad na maaalis ang maga ng muscles. Ayon sa pag-aaral ng Thrombosis Research Institute sa England, ang ganitong uri ng therapy ay makakapagpalakas ng immune system ng katawan sa pamamagitan ng pagtaas ng white blood cells.

Nagpapaganda ng balat at buhok – Ang mainit na tubig ay nakakapagpatuyot ng balat at buhok. Ngunit kabaliktaran ito ng paliligo sa malamig na tubig, dahil ang malamig na tubig ay nakakapagpatibay ng balat. Ang sikat na singer na si Marilyn Monroe ay naliligo ng malamig na tubig, para mapanatiling makintab ang kanyang buhok at firm ang kanyang balat.  Ang malamig na tubig ay nakakapagsara ng iyong “pores” sa balat. Nagpapaganda rin ito ng pagdaloy ng dugo.

Nagbibigay ng “good chemicals” – Sa pag-aaral ng Department of Radiation Oncology sa Virginia Commonwealth University,  lumalabas na ang paliligo ng malamig ay isang paraan para mawala ang stress. Ito ay dahil  tinutulungan ng malamig ng tubig ang katawan ng tao na mag-produce ng kemikal na “noradrenaline”. Kapag ang isang tao ay may mababang “noradrenaline”, tiyak na makakaramdam siya ng depresyon. Kaya kung nalulungkot ka, maligo ka ng malamig ng tubig. Nakakapagtaas din ito ng energy at “testosterone” level.  Kaya kung wala ka rin sa mood na makipag-sex kay ate, ibabad lang ang iyong katawan sa malamig na tubig.

AYON

DEPARTMENT OF RADIATION ONCOLOGY

KAYA

MALAMIG

MARILYN MONROE

NAGPAPAGANDA

THROMBOSIS RESEARCH INSTITUTE

TUBIG

VIRGINIA COMMONWEALTH UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with