Ang pagsasagawa ng ritwal o anumang mahalagang aktibidades ay kailangan nasa right tiÂming upang makamit ang positibong resulta. May koneksiyon ang hugis ng buwan (phases) sa nature ng inyong kahilingan.
New Moon—hitsura ng buwan sa langit ay letter C. Hanggang ikatlong araw ay sakop nito. Sa panahong ito isagawa ang ritwal na may kaugnayan sa pananalapi. Ang activity na masuwerteng gawin ay pagbukas ng negosyo, pagpapakasal, pamanhikan, umpisahan ang pagtahi ng wedding gown. Sa hatinggabi isagawa ang ritwal.
Crescent—hitsura ng buwan sa langit ay letter C pa rin pero mas makapal ang shape. Ito ay ikapitong araw mula new moon. Mainam na isagawa ang ritwal na may kaugnayan sa court cases (para manalo sa kaso) at para matanggap o matuloy na ang pag-a-abroad. Isagawa ng ritwal sa alinman sa mga oras ng 12 ng tanghali hanggang 3 ng hapon.
First Quarter—malapit nang maging kalahati ang porma ng buwan, maliwanag ang gabi. Ika-sampung araw pagkatapos ng new moon. Ito ang pinakamainam na panahon upang lumipat ng bahay. Mga ritwal na may kaugnayan sa friendship at pakikipagrelasyon ay dapat isagawa sa panahong ito. Gawin ang ritwal sa 12 ng tanghali o 12 ng hatinggabi. Itutuloy