Pagkain vs. Kidney disease (1)

Nalaman ng mga dalubhasa na may mga pagkain na mainam na kainin upang maprotektahan ng maayos ang ating kidney at iba pang sakit na dulot ng fatty acid oxidation. Ang prosesong ito ay isang normal na proseso sa produksyon ng enerhiya chemical reaction sa ating katawan pero ang sobrang oxidation ng fats at cholesterol ay nagdudulot ng mole­cules na kuntawagin ay free radicals na maaaring makapinsala sa proteins, cell membranes at genes. Ang sakit sa puso, cancer, Alzheimer’s disease, Parkinson’s disease at iba pang choronic at degenerative condition ay maaaring sanhi ng oxidative damage. Maraming pagkain na maaaring kainin upang maprotektahan ang ating kidney na nagnu-neutralize ng free radicals at maprotektahan ang ating katawan.  Narito ang ilang pagkain na  kidney-friendly na may antioxidants na maaari mong isama sa pang-araw-araw na pagkain.

1. Red bell peppers

1/2 cup serving red bell pepper = 1 mg sodium, 88 mg potassium, 10 mg phosphorus

Ang red bell peppers ay mababa sa potassium at mataas sa flavor. Ang gulay na ito ay mainam na pinagmumulan ng vitamin C at vitamin A, kabilang na ang vitamin B6, folic acid at fiber. Ito ay mayroong lycopene, isang antioxidant na pumuprotekta laban sa ilang cancers.

2. Repolyo

1/2 cup serving green cabbage = 6 mg sodium, 60 mg potassium, 9 mg phosphorus

Ang cruciferous vegetable katulad ng repolyo ay mayaman sa phytochemicals, isang chemical compounds sa prutas  at gulay na sumusugpo sa free radicals bago ito makapaminsala. Maraming phytochemicals na kilala sa paglaban sa cancer at iba pang sakit sa cardiovascular. Sulforaphane, isa ring phytochemical sa cruciferous vegetables, na humaharang o pumipigil sa paglaki ng cancer cell sa baga, bituka, dede, bladder, prostate at obaryo.

Mataas sa vitamin K, vitamin C at fiber, ang repolyo ay kilala rin na pinagmumulan ng vitamin B6 at folic acid. Mababa na sa potassium ay mura pang bilhin.

 

Show comments