Minsan, hindi mo maiiwasang makahalubilo ang mga taong mahirap espilengin o kaya’y mga papansin. Anu-ano nga ba ang posibleng dahilan bakit nagiging K.S.P o Kulang sa Pansin ang isang tao. Dahil kung susuriin tila normal lang ang ugaling ito sa isang tao, tila batang pag-uugali, ngunit ayon sa siyensiya, hindi ito normal kung lumalala ang pagiging K.S.P. ng isang tao. Maituturing na sakit sa utak ang pagiging sobrang K.S.P. Narito ang ilang paraan upang matukoy mo kung ano ang dahilan bakit kailangan mong maging papansin sa ibang tao.
Pag-aralan ang pagpapahalaga sa iyong sarili – Ano ba ang kahalaÂgahan sa iyo kung malalaman mong importante ka sa isang tao? Dapat mong sagutin ang katanungang ito ng buong katapatan. Dahil ang dapat na pagpapahalaga mo sa iyong sarili ay mula sa kaibuturan ng iyong puso at kaluluwa. Ang pagpapahalagang ito ay kinakailangang nagbibigay ng mabuting dahilan, una sa’yo at hindi ka nakakasakit ng damdamin ng iba. Ang pagkakaroon ng integridad at respeto sa sarili ang mabuting halimbawa ng pagpapahalaga sa iyong sarili. Tiyak na hindi mo ito makukuha sa ibang tao kung wala ka nito sa iyong sarili.
Mahalin ang iyong sarili - Itigil mo na ang pagkukunwari sa iyong sarili. Upang mabuhay ng masaya dapat kang maging normal at natural sa iyong sarili. Mabuhay ka ng may katapatan sa iba at sa iyong sarili. Sa pamamagitan nito ay mararamdaman mong ikaw mismo ay rumirespeto sa iyong pagkatao. Matapos nito ay magkakaroon ng kaayusan sa iyong buhay at puso at kalaunan ay magiging masaya ka na rin na hindi mo na kinakailangan na pansinin pa ng iba.