6. Regular na i-Detoxify ang ating katawan
Ang atay (kasama na ang kidneys, blood, bowel, lymphatic system at balat) ay tumutulong para tanggalin ang mga kemikal na maaaring makalason sa ating katawan sa pamamagitan ng ating pawis, ihi, at tae.
7. Mag-ingat sa mga iniinom na gamot
Ang pag-inom ng maling doses ng gamot, matagal na pag-inom, paghalo ng iba pang substance, katulad ng alak at iba pang gamot ay maaring makapinsala sa ating atay. Ang Acetaminophen (brand name ng Tylenol) ay isang notoryus na paÂnganib sa ating atay, ang pag-overdose ng gamot na ito ay maaaring maging sanhi ng acute liver health failure. Sa katunayan kahit tama ang paggamit ng acetaminophen ay maaaring maging sanhi ng liver enzymes na tumaas ng tatlong beses sa normal nitong limit, senyales na posibleng napinsala ang ating atay. May ilang pasyente na walong beses na mataas ang lebel ng enzymes sa normal na lebel nito. Laging isa-isip na kailangan nating mag-ingat sa lahat ng gamot na ating iniinom. Kailangan may tamang reseta sa pagbili ng gamot na kagaya ng Tylenol upang makaiwas sa tiyak na kapamahakan at pagkapinsala ng ating atay.
8. Regular na pag-eehersisyo
Ang regular na pag-eehersisyo ay napakainam na mapababa ang panganib sa pagkakaroon ng fatty liver disease, hindi lang sa pagmementina ng magandang pangangatawan at tamang timbang (ang obesity ay nakakapagpataas ng panganib ng fatty liver disease) bagkus nakakapagpabuti ng kondisyon ng ating atay.