3. Kumain ng prutas, gulay at iba pang pagkain na makakatulong upang maging malusog ang ating atay.
Ang pagkain ng sariwang prutas at gulay ay makakatulong upang ma-detoxify ang ating atay. Mga pagkain na mayaman sa sulfur katulad ng bawang, sebuyas at mabeberdeng gulay (broccoli, kale, collard greens, repolyo, cauliflower, etc.) ay kilalang liver detoxify environmental toxins, kasama na rinesetang gamot at pestisidyo. Ang gulay ay mainam na pinanggagalingan ng fiber, na nakakatulong upang maalis ang toxins sa ating digestive tract, nakakabawas ng stress sa ating atay. Turmeric, cinnamon at licorice ay kilala rin sa atay upang gumana ng maayos.
4. Iwasan ang malimit na pag-inom ng alak
Ang alak ay maaaÂring makapinsala ng ating atay na magiging daan ng pagkakaroon ng fatty liver, pamamaga ng atay, alcoholic hepatitis o cirrhosis. Kapag tayo ay may sakit o pinsala na sa ating atay, ang pag-inom ng kahit konting alak ay maaaÂring magpalala sa pinsala ng ating atay.
5. Iwasan ang malimit na paggamit ng mga kemikal na panglinis ng bahay.
Ang palagiang paggamit ng mga kemikal na panglinis ng bahay ay hadlang upang maging malusog ang ating atay. Gumamit ng mga natural na produkto na panglinis ng ating kabahayan at mga personal na panglinis ng ating katawan. Tiyaking ligtas ang inuming tubig sa anumang kemikal na maaaring mag kontamina at gumamit ng air purifier kung nakatira malapit sa pangunahing lansangan na madalas ay ma-traffic.