Ang mga dapat gawin kung may goiter ang isang tao.
Ang mga nararamdaman ng isang tao at ang pag-eksameng pisikal sa kaniya ay masusing ginagawa ng doctor o health worker. Kung may nakikitang palatandaan na mayroon ngang sakit na goiter, ito’y nagpapahiwatig na may problema sa nutrisyong iodine ang taong iyun. Mayroong mga pagsusuring ginagawa (TSH, T4, T3, FT3, FT4, thyroid antibodies; thyroid scan o ultrasound) upang matiyak ang kalagayan ng thyroid gland. Kung minsan ay ginagawa rin ang “Fine Needle Aspiration Biopsy†(FNAB) upang makakuha ng kapirasong laman mula sa bukol ng goiter at makasiguro kung ito ay pamamaga lamang o baka kanser na ito.
Ang goiter o bosyo na dala ng kakulangan sa iodine ay maiiwasan sa pagkain ng isda, alimango, hipon, talaba, pusit, halamang dagat (seaweed) at iba pang pagkaing mayaman sa iodine. Ang paggamit ng asing may iodine o iodized salt ay higit na ipinapayo para maiwasan ang goiter. Kung ito naman ay sanhi ng sobra o kulang sa paggawa thyroid hormone, mayroong mga gamot na nakakapagpapagaÂling dito. Ang mga goiter na lubhang malaki na at marami nang bukol ay mas makakabuting tanggalin na sa pamamagitan ng operasyon. Mayroon din namang mga goiter na tinutunaw o sinusunog sa pamamagitan ng “radioactive iodine†(RAI).
Ang iodine ay lubos na kailangan para sa normal na paglaki at mabuting kalagayan ng ating katawan at utak. Habang-buhay nating kailangan ang iodine na hindi lalampas sa isang kutsarita.