Epekto ng birth order sa pag-ibig

Last Part

BUNSO

Beybi ng pamilya. Laging sentro ng atensiyon kaya hanggang sa pag-ibig ay mahilig magpapansin at pasaway. Magkahalong malambing at rebelde sila. Dulot ito ng trato sa kanya ng pamilya. Minsan kasi ay siya ang ginagawang bida sa pamilya pero maya-maya lang ay pinagagalitan na dahil napapasobra ang kakulitan. 

Sobra ang takot niya na i-reject siya ng kanyang iniibig.  Gusto niya ay karelasyong full of surprises na kikiligin siya sa bawat sandali na sila’y magkasama. Bagama’t natatakot siyang i-reject ng taong minamahal niya, hindi naman siya nagdadalawang isip na iwanan ang karelasyong walang kabuhay-buhay.

 

 

Show comments