‘Unfaithful husband’

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Trina, 29. May asawa at 2 anak. Isa akong working mother dahil gusto kong makatulong sa paghahanapbuhay. Sa kabila ng mga tukso sa aking paligid ay naging tapat ako at hindi nagpatangay.  Ang hindi ko matanggap ay hindi sinusuklian ng asawa ko ang aking faithfulness. Sa halip, marami siyang babae. Hindi siya nagkukulang sa sustento sa pamilya pero hindi sapat ‘yon para sa akin. Kung minsan, in-entertain ko ang thought na gumanti sa kanya. Paano magbabago ang kanyang ugali?

Dear Trina,

Bakit hindi mo siya kausapin nang masinsinan tungkol sa kanyang pambababae. Tanungin mo siya kung ano pa ang kulang na dapat mong punuan para maging tapat siya sa iyo. Kung tutuusin, ang marital infidelity ay isang ground para pawalang bisa ang kasal. Pero hanggang may ibang paraan para maisalba ang kasal ay sikapin mong gawin. Pero huwag kang mahuhulog sa tukso. May kasabihang hindi puwedeng ituwid ng isa pang pagkakamali ang isang mali. Mag-usap kayo sa halip na magsawalang kibo.

Show comments