^

Para Malibang

Paano mo maiingatan ang iyong ngiti? (2)

BODY PAX - Pang-masa

Anu-ano ang  dapat gawin upang mapangalagaan ang ngipin?

 Sa mga kinakain natin nagsisimula ang pagkakaroon ng malusog na ngipin. Ang balanseng pagkain na may calcium at bitamina A, C, at D ay makatutulong upang mabuo ang mga ngipin, mula sa sinapupunan hanggang sa lubusan na itong mabuo. Ugaliing kumain ng masusustansiyang pagkain upang maprotektahan ang ating mga ngipin. Umiwas sa matatamis na pagkain lalo na ang maaasukal na pagkain na nagdudulot ng pagkasira ng mga ngipin. Ang pagkasira ng ngipin ay sanhi ng dalawang uri ng baktirya—“mutans streptococci at lactobacilli”—na nagiging bahagi ng plaque, isang malagkit na suson ng baktirya at tirang pagkain na namumuo sa ngipin. Kinakain ng baktirya ng plaque ang asukal at ginagawa itong mapaminsalang mga asido na sumisira sa ngipin. Ang ilang uri ng asukal ay mas madaling nagiging asido o mas madaling kumakapit sa ngipin, pinabibilis nito ang pagkasira ng plaque sa ngipin. Ang plaque na hindi natanggal ay maaaring tumigas at maging calculus, o tartar, sa pagitan ng ngipin at gilagid.

Napakahalaga na makontrol ang plaque at lalo na ang baktiryang mutans streptococci upang mapigilan ang pagkasira ng ngipin. Kaya kung gusto nating mapangalagaan ang ating ngiti, kailangan nating alagaan ang ating ngipin at gilagid araw-araw.  Ang pagsisipilyo, kasama na ang paggamit ng floss, ang pinakamahalagang bagay na magagawa natin upang mapanatiling malusog at matibay ang ating ngipin at ang mga kalamnan na umaalalay dito. Kumunsulta sa ating pinagkakatiwalaang dentista upang malaman ang tamang pangangalaga at mga gamit sa pangangalaga ng ating ngipin upang magkaroon ng magandang mga ngiti.

ATING

KAYA

KINAKAIN

KUMUNSULTA

NAPAKAHALAGA

NGIPIN

PAGKAIN

UMIWAS

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with