‘Patay kayo, mga corrupt’ (3)
MASYADO ngang dinidibdib ni Arlene ang mga maling nangyayari sa bansa. “Basta sinasabi ko sa iyo, Mark, tuloy ang laban ko sa mga corrupt na ‘yan, in my own little way.â€
“Arlene, aktibo kang masyado sa pagiging aktibista. Baka naman mapahamak ka na, babe? Ayoko pa namang maiwan…hindi ko kayang mawala ka…â€
“Hindi pa naman ako mag-a-underground, Mark. Tutuligsain ko lang ang kabulukan sa sistema—sa mahinahong paraan.â€
“Meaning…?â€
“Meaning magdyo-join ako sa mga people’s march, sa rallies against corruption. Magsasalita ako sa entablado at babatikusin ko sila.â€
Napabuntunghininga ang binata. “Babe, masÂyado ka nang naku-consume ng galit at poot. Papangit ka…â€
Tiningnang muli ng dalaga ang malapad na wall na kinadidikitan ng mga posters ng mga kandidato sa eleksiyon. “Ano ang nakikita mo sa photos nila, bukod sa kanilang magagandang ngiti, ha, Mark?â€
“Well, good quality ang posters nila—colored, matibay, gumasta talaga sila sa election materials…â€
“Bakit sila gumagasta nang malaki, Mark?â€
May handang sagot ang binata. “Well, siguÂro dahil iyon ang kalakaran. Tingin nila, iboboto sila ng voters kung sila’y may panggastos.â€
“No, tingin ko’y handa silang gumastos nang malaki dahil mas malaki—triple siguro—ang magiging kapalit, kapag nakaupo na sila.â€
Napakamot ng ulo ang binata. “Arlene, huwag naman nating lahatin. May mga kandidato ring talagang nais makapaglingkod.â€
“Oh come on, Mark—90 percent ng mga nais kumandidato ay gustong mangurakot, mandambong; tingin sa kaban ng bayan ay kanila!â€
“Whoa, stop. Arlene naman, relax. Tara, du’n tayo sa tabing-dagat. –para gumanda ang mood mo.â€
Pero hanggang sa tabing-dagat ay sumasalit ang ngitngit ni Arlene. “Alam mo bang ang tarsiers daw ng Bohol, kapag hinuli at kinulong—ipinapalo ang ulo sa rehas at nagpapakamatay?â€
“What’s your point, Arlene?â€
“Sana, pasukin ng spirits ng tarsiers ang mga corrupt officials—magpakamatay na rin silang lahat.†(ITUTULOY)
- Latest