Face Reading sa lalaki

Ang matangkad na lalaki at tama lang ang laki ng body parts ay susuwertehin sa buhay.

Hindi naman mamalasin ang mga pandak pero kadalasan sa kanila ay tuso.

Ang may ulong mabilog at malaki sa pangkaraniwan ay mahusay na administrador. Nasa kapalarang humawak ng mataas na posisyon.

Ang ulong tama lang ang laki pero makapal ang buhok ay matalino at nagtataglay ng magandang qualities.

Hindi gaanong susuwertehin kung ang ulo ay maliit pero malaki ang kanyang katawan.

Romantiko ang may manipis at itim na buhok.

Magiging magaan ang daloy ng pera kung ang buhok ay mamula-mula. Susuwertehin siyang maging pinuno ng isang kompanya, komunidad o military.

Show comments