Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang cabbage o repolyo ay bawal sa mga taong may problema sa thyroid o goiter?  Pinipigilan kasi nito ang iyong katawan na makuha ang iodine na kailangan sa iyong thyroid gland. Mayroon naman 303 katao sa U.S.  na ang apelyido ay “Cabbage”. Hindi lang basta pagkain ang repolyo, ginagamit din ito bilang gamot sa  sugat na naimpeksiyon. Si Charles Hardy naman ang naitala na pinakamabilis na taong kumain ng repolyo. Naubos niya ang 6-9 libra ng repolyo sa loob ng siyam na minuto.

Show comments