Kadalasan sa mga Pinoy, nililipatan na ang bahay kahit hindi pa tapos ang construction. Minsan ay nagkukulang ang budget kaya’t napipilitan nang tirahan ang bahay kahit marami pang kulang dito. Basta’t may bubong at pintuan, ayos na iyon sa mga Pinoy. Sa Fengshui, negative vibration ang dulot ng hindi tapos na bahay.
Ang pader na kulang pa sa “finishing touchesâ€, kawalan ng kisame at iba pang kakulangan ay nagdudulot ng problema sa negosyo, pakikipagrelasyon, kawalan ng konsentrasyon sa trabaho at kagipitan sa pera. Sa ganitong pagkakataon, ipinapayo ng Fengshui experts na makitira muna sa kamag-anak o umupa ng bahay habang hinihintay na matapos ang pagpapabahay.
Inihalintulad ang sitwasyon ng pagtira sa hindi tapos na bahay sa pagkain ng half-cooked rice. Mahirap matunaw sa tiyan ang kanin na hindi masyadong naluto. Samantalang ang kanin na niluto nang maayos ay mas masarap lasahin at more nourishing sa katawan. Kagaya ng pagtira sa hindi tapos na bahay, ito ay magdudulot lamang ng kaguluhan sa iyong buhay.