Sa morning sex, gumaganda ang mood dahil sa serotonin levels na lumalabas sa sexual activity. Ang sex ay isang natural na paraan para gumanda ang mood dahil ang orgasm ay nagre-release ng mas maraming serotonin sa utak.
Kalidad ng sperm at fertility ng babae
Ang madalas na morÂning sex ay nag-i-improve ng sperm quality at fertility sa babae. Ayon sa research sa Sydney IVF Clinic sa Wollongong, AU, pinag-aralan ang 118 lalaki na may mataas kaysa sa normal na DNA sperm damage sa pamamagitan ng DNA Fragmentation Index (DFI). Sinabihan ng mga Australian scientists ang mga lalaki na mag-ejaculate araw-araw para mabawasan ang DNA sperm damage. Ang resulta ng pag-aaral ay 96 sa mga lalaki ang nagkaroon ng 12 percent na pagbaba sa sperm damage. Ang mas mababang DNA damage sa sperm ay maaaring magpataas ng fertility ng babae.
Tone at Texture ng balat at buhok
Sa pag-o-orgasm sa morning sex, nare-release ang chemicals na nagpapataas ng estrogen levels sa katawan at napapaganda ng tone at texture ng balat at maging ng buhok. Gumaganda ang blood circulation flow sa sex na tumutulong para mapunta ang oxygen sa balat at nagbibigay ng natural at glow sa mukha, ayon sa UWire University of Wisconsin Madison.
Cardiovascular Disease
Ang madalas na morning sex sa isang lingo ay nagpapababa ng tsansang magkaroon ng heart attack o stroke. Sa pag-aaral sa Queens University sa Belfast, sinubaybayan ng researchers ang 1,000 middle-aged men sa loob ng 10 years. Nagpokus ang mga researchers sa cardiovascular health ng mga lalaki at natuklasang nababawasan ang panganib sa cardiovascular disease kung nakikipag-sex ng dalawang beses sa isang linggo.