Masasangkot sa gulo

Panaginip: Bumalik ako sa edad na late 20s at toddlers pa lang ang mga anak namin. Nasa mall kami at nag-uusap nang masinsinan ng aking mister. Nagtapat siya na ipinawawalang bisa na niya ang aming kasal. Nagsasawa na siya sa akin. Nalungkot ako pero walang magawa. In real life, okey ang aming pagsasamang mag-asawa. I’m 49 years old.---Good Wife

Interpretation: Masasangkot ka sa eskandalo sa iyong work place (mall). Magreresulta ito ng pagkasira ng iyong reputasyon (hihiwalayan ng mister). Manalangin na huwag magkatotoo. Maging mapagmasid sa paligid at iwasang masangkot sa gulo lalo na kung may kinalaman sa iyong trabaho.

Show comments