Epekto ng Radiation sa kalusugan (2)
Ang mga agarang sintomas ng ARS ay pagkaÂhilo, pagsusuka, at diarrhea; at sa katagalan ay pagbaba ng bone marrow na nagreresulta ng pagbaba ng timbang, kawalan ng ganang kumain, pakiramdam lagi ay may trankaso, infection at abnormal na pagdurugo sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang kaligtasan ng isang taong na expose sa radiation ay depende ng radiation na natanggap niya. Sa mga taong nakaligtas ay aabot ng ilang linggo hanggang dalawang taon bago sila tuluyang gumaling. 


Ang mga batang na-expose sa radiation mas malaki ang panganib kesa sa mga matatanda. Ang mga batang hindi pa pinapanganak ay kailangan ay pagtuunan ng pansin dahil ang human embrayo o fetus ay napaka sensetibo sa radiation.
Acute Radiation Syndrome
Ang sakit dulot ng Radiation, kilala sa tawag na acute radiation sickness (ARS), ay seryosong karamdaman na mangyayari sa buong katawan kapag naka tanggap ang katawan ng mataas na radiation na karaniwang nangyayari sa loob ng maiksing panahon. (ITUTULOY)
- Latest