Ang Okinawa ay nasa pinakatimog na bahagi ng Japan, ang mga residente dito ay kilala sa pagkakaroon ng mahabang buhay. Dito sa Okinawa makikita ang pinakamaraming bilang ng centenarians o mga taong lumalampas sa edad na isang daan taon. Ayon sa pag-aaral ang pagkakaroon ng mahabang buhay ng mga taga Okinawa ay dahil sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay, sa traditional diet na mayroong mababang calories pero may taglay na mataas na nutrients na katulad ng phytonutrients na nagiging antioxidants flavonoids. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa ang diet ng mga taga-Okinawa na prutas at gulay na mayroong mataas na phytonutrients sa pamamagitan ng antioxidant ay nakakapagpababa ng panganib ng nakamamatay na sakit. Ang mga taga-Okinawa ay hindi gaanong kumakain ng karne, refined grains, pagkain na may mataas sa saturated fats, sugar, salt at mga dairy products.
Karamihan sa katangian ng diet ng taga-Okinawa ay may kahalintulad na disenyo ng diet katulad ng Mediterranean diet o modernong DASH (Dietary Approaches to Stop Hypertension) diet. Ito ay tumatampok ng mababang lebel ng saturated fat, may mataas na lebel ng antioxidant, at may mababang glycemic upang mabawasan ang panganib ng mga sakit katulad ng cardiovascular disease, cancer at nakakabawas ng oxidative stress na pinagmumulan ng Alzheimer, Parkinson at Atherosclerosis. Batay sa pagkukumpara ng nutrient ng tatlong dietary pattern mababang fat intake, partikular na sa saturated fat, mataas sa carbohydrate intake pagpapanatili ng intake ng mayaman sa antioxidant katulad ng kamote at mabeberdeng gulay.
Mga katangian ng diet sa Okinawa
1) Mataas na pagkunsumo ng gulay
2) Mataas na pagkunsumo ng legumes
3) Mababang pagkunsumo ng isda (lalo na sa coastal areas),
4) Mababang pagkunsumo ng karne,
5) Mababang pagkunsumo ng mga dairy products,
6) Katamtaman ng pag-inom ng alcohol,
7) Mababang calorie sa pagkain,
8) Mayaman sa omega-3 fats,
9) Mataas sa monounsaturated-to-saturated-fat ratio, at
10) Pagpapahalaga sa low-GI carbohydrates.