Mga ‘do’s’ and ‘dont’s’ sa condom

Ang condom ang karaniwang ginagamit na proteksiyon sa pakikipag-sex.  Marahil ay marami sa inyo ang iniisip na alam na ang lahat tungkol sa condoms ngunit may ilang bagay pa kayong dapat malaman. Narito ang mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa mga dapat at ‘di dapat gawin sa paggamit ng condom, ayon sa health24.com.

Condom dos:

•   Gamitan ng lubricant ang condom para mas hindi ito maging dry at hindi mapunit. Gumamit ng silicone o water base na lubricant.

•   Itago ang condom sa tuyo at malamig na lugar. Hindi puwede sa ref dahil masyado itong malamig.

•   Laging tingnan ang expiry date ng condom. Puwede itong maging dry at hindi na matibay kapag matagal na.

•   Isuot ang condom kapag naka-erect na ang penis bago magkaroon ng sexual contact.

•   Humanap ng condom na sukat para sa iyo. Kung maliit  ito, baka mapunit, kung maluwag, baka mahubad sa kainitan ng aksiyon. Subukan ang iba’t ibang condom para malaman kung ano ang angkop para sa iyo.

•   Bago i-unroll ang condom sa naka-erect na penis, marahang pindutin ang dulo ng condom ng iyong hinlalaki at hintuturo para magkaroon ng sapat na space ang semen at hindi magkaroon ng hangin sa loo bang condom.

•   Isang gamit lang ang isang condom kaya gumamit lagi ng condom sa bawat pakikipag-sex. Hindi uso ang recycling sa condom.

•   Ingatan ang condom sa mga body piercings. Siguraduhing hindi mabubutas ang condom.

•   Sabayan ang paggamit ng condom ng iba pang contraceptive methods gaya ng pill o diaphragm para mas safe.

•   Para hindi matapon ang semen, hawakan ang condom sa base ng penis kapag ‘huhugutin’ na.

•   Balutin ang nagamit na condom ng tissue at itapon sa basurahan.

 

Show comments