Alam n’yo ba na ang muscle sa mata ang pinaka aktibong muscle sa buong katawan ng tao? Ang mata ay binubuo ng dalawang milyong bahagi para ito ay makakita. Kaya nitong makapagproseso ng 36,000 impormasÂyon kada oras. Ang isang pangkaraniwang tao na nabubuhay ay kayang makakita ng 24 milyong larawan sa mundong kanyang ginagalawan. Ang pagkurap ng mata ay tumatagal lang ng 1/10 ng isang segundo. Ang isang pangkaraniwang tao ay kumukurap ng 11,500 beses kada araw o 4.2 milyong beses kada taon. Ang asin ay isang preservative dahil kaya nitong labanan ang paglago ng bacteria sa isang pagkain. Dito nagmula ang pagpi-preserve ng isda sa pamamagitan ng pagbubudbod ng asin.
Ngunit ang pinakamatandang sistema ng pagpi-preserve ng pagkain ay ang pagbababad ng pagkain sa suka ito ay tinatawag na “Pickling methodâ€. Sa Belgium, ang may-ari ng gusali ay pinagbabayad ng buwis kapag ito ay mayroong ilaw, ngunit kapag inilagay nila ang estatwa ni Virgin Mary sa kanilang gusali ay hindi na sila sinisingil ng buwis.