Aminin n’yo na mga ate. Madalas ay naraÂramdaman ninyong naiihi kayo sa kalagitnaan ng inyong pakikipag-sex at minsan ay hindi ninyo ito makontrol. Maraming babae ang nakakaranas nito na nangyayari kapag nakapasok na ang ‘bird’ sa ‘flower’ at kung minsan naman ay naiihi kapag nag-orgasm.
Ayon sa embarrassing problems.com, hindi malaman kung ano ang nagiging sanhi nito ngunit sinasabing ang puwedeng maging dahilan ay ang irritable bladder o ang kahinaan sa puno ng pantog. Maraming abbae ang nahihirapang magpigil ng ihi kaya puwede silang maihi kapag nakikipag-sex. May mga debatehan tungkol na pag-ihi ng mga babae sa pakikipag-sex
dahil sinasabi ng iba na ito ay ‘female ejaculation.’
Sinasabing isa itong discharge ng sexual glands na nanggagaling sa Skener glands na kapareho ng prostate glands ng mga lalaki. Alalahanin natin na ang mga babae ay nagpo- produce ng maraming lubrication fluid sa sexual foreplay at intercourse pero kapag biglang may lumalabas na liquid, ihi ang lumalabas.
Sabi ni Dr. Margarette Stearn na kilalang eksperto sa mga nakakahiyang problema, narito ang mga dapat gawin para hindi maihi sa pakikipag-sex.
•Umihi muna bago makipag-sex.
•Bawasan ang inuming may caffeine at alcohol.
•Huwag uminom ng masyadong maraÂming tubig, dapat ay hindi sosobra sa 1.5 litters lamang sa loob ng 24-hours. Kung nababahala sa ganitong problema, komunsulta sa inyong pinagkakatiwalaang doctor.